Nagsimula sa isang simpleng mensahe, “hello”. Tumingin si Sirinya (hindi totoong pangalan), isang Thai CFO ng isang manufacturing na kumpanya, sa mensaheng natanggap at nakita niya ang profile ng isang gwapong army officer na nakasuot ng kanyang uniporme. Nakasulat sa networking platform na ang pangalan ng propesyonal ay “Doktor Adhit (hindi totoong pangalan)”. “Nasaan ka?” tanong niya.
Nalaman niya na si Dr. Adhit ay isang doktor ng militar na nagtatrabaho sa Afghanistan. Hilig niyang tulungan ang ibang mga tao kung kaya ay mahal niya ang kanyang trabaho. Para kay Sirinya, siya ay isang malambing at mabait na tao. Magka-chat sila ng ilang oras. “Gusto kong marinig ang boses mo. Maaari ba kitang tawagan?” tanong niya isang gabi. “Paumanhin, isa sa mga patakaran dito sa base ang pagbabawal na tumanggap ng kahit anong mga tawag para sa kadahilanang pangseguridad.” sagot niya. “Ngunit maaari akong magpadala ng mga litrato at video kung gusto mo?”
Makalipas ang ilang mga linggo, pabalik-balik silang nagpadala ng mga litrato at mga video.
Ilang buwan ang nagdaan, nangyari ito. “Pakiramdam ko, mahal na ata kita.” Nagtatalon ang puso ni Sirinya. Bagama’t 50 taong gulang na siya ngayon, pinaramdam sa kanya na para pa rin siyang dalaga na naman. “Ganun din ang nararamdaman ko” sagot niya, Ilang buwan na naman ang lumipas.
Dr Adhit: “Hi darling. Pumanaw na ang aking ama.” Ipinaliwanag nito na nais niyang ilipat ang mana mula sa kanyang yumaong ama, na nagkakahalaga na US$85 milyon sa Thailand at bumili ng isang magarbong bahay para sa kanyang sarili at sa kanya. Sa pamamagitan ng ilang panahon at trabaho, nakahanap siya ng isang magandang bahay para sa kanila. Pagkatapos ay hiniling ni Dr. Adhit na ideposito muna niya ang pera dahil nahihirapan itong ilipat ang pera palabas ng kanyang Swiss bank account. Kasabay nito, humiling din siya ng karagdagang pera upang bayaran ang iba pang mga gastusin na may kaugnay sa paglipat ng malaking mana sa Thailand.
Nagdaan ang tatlong buwan, gumamit ng pekeng invoice at mga maling accounting entry upang gumawa ng 251 na paglipat sa 112 na mga bank account sa 17 na mga bansa. Si Sirinya ay naglipat ng pera gamit ang account ng kanyang amo sa loob ng apat na buwan nang matuklasan ng kumpanya ang fraudulent fund transfer na lumampas ng $250 milyon.
Sinuman ay maaaring maging biktima. Gayunpaman, sa pagsasagawa at pagtingin sa mga babala ay maaaring kang makaiwas sa mga pag-atake ng mga online scam. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga scam, phishing, at identity theft sa Timog-Silangang Asya ay maaaring bumisita sa UNODC website.
Source:
https://www.abc.net.au/news/2022-07-10/how-thailands-biggest-romance-scam-was-pulled-off/101213930
Si Aati (hindi totoong pangalan), mamamayan ng bansang Malaysia, ay nagba-browse sa internet, at nawalan na ng pag-asa. Dahil sa pandemya, mahigit na sa isang taon na wala siyang trabaho, walang tigil ang pagtawag sa kanya ng mga maniningil ng bayarin at dahil rito siya ay mas naging desperado.
Hanggang sa nakita niya ito. Isang patalastas para sa mataas na sahod na trabaho sa Cambodia na may buwanang sahod na aabot hanggang sa US$3,300 kada buwan. Natugunan niya ang lahat ng mga kinakailangan na nakalista at agad na tinawagan ang numero.
Pagkatapos ng maiksing tawag sa telepono, nakatanggap siya ng mga mensahe kung paano lilipat sa Cambodia. Gayunpaman, ang mga bilin sa pagpasok sa Cambodia ay medyo kakaiba. Sa halip na direktang paglipad patungo sa nasabing bansa, Dapat munang ilegal na pasukin ni Aati ang Thailand gamit ang barko at tumawid hanggang sa border ng Cambodia gamit ni Aati ang isang sasakyan sa ilegal na paraan. Ngunit naramdaman ni Aati na wala na siyang ibang pagpipilian. Kailangan na niyang umalis!
Sa pagdating niya sa mismong lugar na pagtatrabahuan, nakita niya ang pasilidad ay may pagkahawig sa isang malaking casino na may mga opisina sa mas mataas na palapag. May iba pang mga bagong recruit mula sa Vietnam, Pilipinas, Thailand, at Laos. Hindi nagtagal ay binati sila ng mga malalaking lalaki na nakasuot ng mga suit hinihingi ang kanilang mga pasaporte para sa immigration.
Inakay sila sa isang hagdan patungo sa isang maluwang na kuwarto na parang isang call center. Tatlong nakamaskarang mga lalaki na may mga taser gun ang biglang lumitaw at naghahawak sa isang set ng mga posas na sumisigaw ng “Bawat isa sa inyo ay kumuha ng isa at ilock ang inyong mga paa sa mga desk. Kayo ay nagtatabaho na para sa amin simula ngayon!”
Araw at gabi sila ay nagtatrabaho sila gamit ang mga kompyuter upang manloko ng mga inosenteng tao. Kung sila man ay titigil o hindi man nila maabot ang kanilang mga tinatamasang mithiin, sila ay binubugbog. Ginamitan ng taser gun si Aati ng mga tatlong beses sa isang linggo habang walang kapagurang nagtatrabaho upang manloko ng ibang tao.
Nakaranas ng pagdurusang ito si Aati sa loob ng isang buwan hanggang sa nakahanap siya ng paraan upang makontact ang Malaysian Chinese Association’s (MCA) Public Services and Complaints Department, na sumagip katulong ang mula sa embahada at mga awtoridad mula Cambodia.
Libo-libong mga tao sa rehiyon ng Asya Pasipiko, na may kakayahan sa teknolohiya ang naloko sa parehong job scam sa Timog-Silangang Asya na nasasangkot sa pagkawala ng malaking halaga ng pera, personal na mga impormasyon at sa pinakamasamang sitwasyon, human trafficking.
Sinuman ay maaaring maging biktima. Gayunpaman, sa pagsasagawa at pagtingin sa mga babala ay maaaring kang makaiwas sa mga pag-atake ng mga online scam.
Source:
https://www.eco-business.com/news/cyber-criminals-hold-asian-tech-workers-captive-in-scam-factories/
https://www.channelnewsasia.com/asia/malaysia-overseas-job-scam-victims-cambodia-myanmar-laos-thailand-tortured-2940326
“Hindi ako makapaniwala!” Sobrang mahal ko na siya sa loob lamang ng tatlong linggo! Laking tuwa ni Diwa (hindi totoong pangalan) nang inaakala niya na nahanap na niya ang kanyang soulmate Phet, isang interior designer na nakatira sa ibang bansa, sa social media sa perpektong oras ng kanyang buhay. “Oras ng Pahinga.” Tiningnan niya ang kanyang telepono at nakinig sa investment opportunity na iminumungkahi ni Phet.
Sabi nito, “Mahal, hindi naman ito gaanong malaki, ngunit maaari kang kumita ng dagdag na pera.” Pumayag ito at isinigawa ang investment.Kinabukasan, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang bangko na ipinagbigay alam sa kanya na lahat ng kanyang pera ay wala na. Nadurog ang puso niya habang tinetext si Phet.
“Hindi ko na alam ang gagawin.” Sa ilang araw ay operasyon ko na sa puso, at ngayon nawalan ako ng mahigit na US$30,000 ng dahil sa loan scam!”. Ilang minuto ang nakalipas ay nagreply si Phet at sinabing, “Wag kang mag-alala, mayroon akong paraan sa iyo upang makuha mo ulit ang iyong pera. Bibigyan din kita ng US$10,000 upang makapagsimula.
“Lilipad ako papunta diyan upang bisitahin ka sa araw ng iyong operasyon at aalagaan ka. Ngunit sa ngayon, kailangan ko muna ang impormasyon ng iyong account at sumunod ka sa aking mga tagubilin.
Ang kanyang mga tagubilin ay para i-invest ni Diwa ang kanyang pera sa kanyang platform. Tutulong siya upang bumili at magbenta ng shares upang kumita rin ito ng pera. Madali lang ito para sa kanya. Kung tutuusin, siya naman ang gumagawa ng lahat ng trabaho.
Sa pagbukas niya ng website ay nakita niya ang kita na US$30,000. Sabik ito at gusto na ibenta ang kanyang kita, kung saan ang sagot ni Phet “Kung gagawin mo yan, sisirain mo ang kinabukasan na meron tayo, at ang kinabukasang wala ka, papatayin ko na lamang sarili ko!”
Patuloy na hinihikayat ni Phet si Diwa sa pag-invest sa kanyang platform sa pamamagitan ng pagpunta sa pwedeng mauutangan, ibenta ang kanyang kotse, humiram sa kanyang mga kaibigan at pamilya, at sa huli gagamitin ang kanyang bahay bilang sangla sa Malaysia.
Sa kabutihang palad, nakuha nito ang atensiyon ng ama ni Diwa na binabalaan siya tungkol sa mga investment scam kasama ang isang artikulo tungkol sa pig-butchering scam, kung saan ay isang babae ay nawalan ng US$500,000.
Sa sinasabing artikulo, nakilala ni Diwa ang mga litrato ni Phet, ang parehong lalaki na kanyang kinakausap sa loob ng apat na buwan; siya rin ay naging biktima ng sinasabing scam.
Dahil sa insidente, idineklara ni Diwa ang pagkalubog sa utang na nagkakahalaga ng US$270,000.
Source:
https://www.straitstimes.com/singapore/courts-crime/she-lost-240000-in-pig-butchering-cryptocurrency-scam-after-fraudster-courted-her-for-months
May lumalalim na relasyon sa pagitan ng sikolohiya ng tao at teknolohiya pagdating sa mga scam, phishing at identity theft. Ang mga teknolohiya ay maaaring makontrol at maprotektahan, ngunit ang aghambuhay at ang isipan ay maaaring tumugon ng emosyonal sa mga tiyak na mga pangyayari. Kinikilala at pinagsasamantalahan ng mga cybercriminal ang mga “hot state” upang pagsamantalahan ang mga biktima sa parehong pinansiyal at emosyonal.
Kung may taong biktima, iisipin ng nakakarami na iresponsable paano ba nahuhulog ang sinuman sa isang bagay na halata naman?” Pero ang”scam shaming” ay bahagi ng problema kung bakit nahuhuli ang kamalayan sa cybersecurity sa kabila ng mabilis na antas ng tagumpay ng mga cybercriminal.
Ang scam shaming ay lubhang hindi makakatulong sa pagtugon sa mga insidenteng ito. Hinihikayat nito ang mga tao na ibahagi ang pinakabagong update sa teknolohiya at mga paraan na ginagamit ng mga cybercriminal. Habang nagbabago ang mga cyber security threat, may agarang pangangailan para sa pagbahagi ng impormasyon.
Habang mabilis na tumataas ang antas ng internet adoption sa iba’t ibang panig ng mundo, Mas madalas na nangyayari ang mga insidente ng online scamming ngayon kaysa dati. Sa bagay na ito, hindi makatuwiran na asahan na 100% alerto at 24/7. Sa halip, kailangang maunawaan kung paano nagiging biktima ang mga tao sa mga insidente upang mas matuto, tumugon, at iwasan ang mga ito na mangyari sa hinaharap. Dapat walang lugar ang “scam shaming” upang mapaunlad ang isang cybersecure na mundo.
Nagsimula ang scam shaming noong 2009, kung kailan naganap ang testimonya sa US House Subcommittee para sa paksa tungkol sa information security, isang kongresista ang nagbahagi ng napakalakas na pahayag “Ang ibig sabihin mo ba na sa panahong ito, sa pinakadakilang bansa sa mundo, hindi pa rin tayo makabuo ng teknolohiya upang labanan ang mga panganib sa seguridad?” kung saan tumugon ang panel: “Mr. Congressman, mawalang galang na po, ngunit walang kahit anong teknolohiya sa mundo na maaaring makakuha sa pagitan ng inyong mga daliri at ng enter key ng inyong keyboard.”
Kung talagang aasahan nating proteskyunan proteksyunan ang ating mga sarili kakilala, ay dapat ibahagi natin ang ating mga naranasan.
Sinuman ay maaaring maging biktima. Gayunpaman, sa pagsasagawa at pagtingin sa mga babala ay maaaring kang makaiwas sa mga pag-atake ng mga online scam.
Source:
https://www.itweb.co.za/content/8OKdWMDYwrGqbznQ
https://www.aarp.org/money/scams-fraud/info-2022/victim-blaming.html
Sinasamantala ng mga charity scam ang mga indibidwal na gustong magbigay ng donasyon sa mga nangangailangan; sa kasong ito, ang pagiging bukas-palad at kabaitan ng isang biktima ang pinagsasamantalahan. Ang mga kriminal ay nanakawin ang iyong salapi sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang isa kapani-paniwalang kawanggawa. Hindi lamang mga phishing email ang maaaring nakakaapekto sa ipon ng biktima, ngunit inililihis din nila ang mga kinakailangang donasyon mula sa mga tunay na mga kawanggawa at mayroong mga layunin.
Nangyayari ang mga fake charity scam sa buong mundo at madalas na sinasabing sumusuporta sa mga totoong sakuna at emergency katulad ng mga baha at mga lindol. Maaaring kabilang rito ang mga kawanggawa na nagsasagawa ng medikal na pananaliksik o sumusuporta sa may namatayna pasyente at kanilang pamilya. Ang mga kriminal ay maaari ring magkunwaring mga indibidwal na nangangailangan ng mga donasyon upang matupad ang kanilang mga alalahin sa kalusugan o iba pang mga pangangailangan.
Sa Singapore, nagulat ang mga miyembro ng publiko kung saan ang isang charity platform na ay magkasunod na na-flag bilang nagpapadala ng mga phishing email. Binalaan na ng mga opisyal ng gobyerno ang publiko tungkol sa pagbibigay ng kahit anong credit card information at personal na mga impormasyon sa mga impersonator. Ang insidente ay isang malaking dagok para sa daan-daang mga charity na gumagamit ng charity platform upang makalikom ng pondo, na nagdulot ng pagdududa sa mga donor at mapagbigay na nagbibigay. Ang scam alert ay nangyari matapos makatanggap ang platform ng ng mga naitala na mga donasyon noong nakaraang taon.
Ang mga pekeng kawanggawa ay isinasagawa sa iba’t ibang paraan. Ang mga kriminal ay maaaring gumawa ng mga pekeng website na maaaring magmukhang totoong mga kawanggawa habang ang ibang mga kriminal ay maaaring tumawag o mag-email sa mga biktima na humihiling ng donasyon. Ang mga kriminal na ito ay maaaring maglagay ng target na tao sa ilalim ng presyon kung ayaw nila na mag-donate. Maaari ring paglaruan nila ang iyong damdamin sa pagsabing tinutulungan nila ang mga batang may sakit.
Ligtas ka ba?
Source:
https://www.scamwatch.gov.au/types-of-scams/fake-charities
https://www.straitstimes.com/singapore/charity-platform-givingsg-alerts-public-to-phishing-emails