Sa taong 2022, inihayag na isa sa apat na mga konsyumer ang naging biktima ng mga online scam sa Timog-Silangang Asya at ibang mga rehiyon.

Panoorin ang full video >>>

Ang online scam ay ang paggamit ng teknolohiya sa pamamagitan ng Internet upang maloko ang ibang tao.

Online  scams

Libu-libong mga email at mga tawag sa telepono ang ipinapadala ng mga online scammers araw-araw at kadalasan ay nagtatagumpay ang mga ito.  May isang malaking pagkakataon na ikaw o ang iyong pamilya ay makakaugnayan ng scammer balang araw. Kung hindi mo pa nasubukan,

Phishing

Ang mga phishing scam ay ang pagtangka na linlangin ka upang ihayag ang mga personal na impormasyon, katulad ng mga numero ng credit card, mga impormasyon ng banko, o mga password. May ilang mga paraan para dito: magpanggap na isang marangal na kumpanya, isang kaibigan, o katrabaho, sa pamamagitan ng isang link na mula sa isang crafted na mensahe

Identity Theft

Nangyayari ang Identity Theft kung saan ninanakaw ng sinuman ang pagkakakilanlan ng biktima upang magpanggap na ibang tao o direkta silang pag-nakawan. Ang mga kriminal ay maaaring gamitin ang ninakaw na pagkakakilanlan upang gumawa ng pandaraya o iba pang mga krimen katulad ng pagnanakaw ng pera mula sa bank account, o ipaaresto ang biktima ng dahil sa paggamit ng mga kriminal sa kanilang pagkakakilanlan.

Ayon sa pananaliksik sa Timog-Silangang Asya

1,000+

Libu-libong tao mula sa Timog-Silangang Asya at ibang mga rehiyon na may kasanayan sa paggamit ng teknolohiya, ang tumatanggap ng mga oportunidad sa social media na nangangako ng mataas na sahod, mula sa Cambodia, Laos, at Myanmar, ngunit Napag-alamang nasangkot lamang sa modus ng mga kriminal na panloloko sa  mga trabahador sa buong mundo sa Pamamagitan ng internet.

45%

Ayon sa isang pananaliksik ng mga biktima sa Timog-Silangang Asya, 45% ang nawalan ng pera sa mga romance scam.

11 Milyon+

Tumataas ang mga kaso ng identity theft sa Timog-Silangang Asya, sa kabuuan may 11,260,640 pagtangkang pag-atake ng identity theft ang na-block sa Timog-Silangang Asya lamang.

Nasa panganib ka ba?

Sa makabagong mundo ngayon, madali na lamang para sa mga kriminal ang nakawin ang iyong pagkakakilanlan, ng hindi man lang hinahawakan ang iyong ID, dokumento, pitaka, o telepono. Upang manatiling ligtas, kritikal na maunawaan mo kung paano nangyayari ang identity theft – at paano makilala ang mga babala upang maiwasan na mangyari sa iyo.

Itaas ang iyong kaligtasan

Ang pagprotekta sa iyong personal na impormasyon ng kahit walang anong mga panganib ay impossible na sa panahon ngayon. Gayunpaman, may ilang mga paraan upang maprotektahan ang sarili mula sa pagiging biktima ng ionline scam.

“Prevention is better than cure”, at pagiging maalam sa pag-iral ng mga scam, phishing at identity theft ay isang magandang panimulang punto.

Matuto pa: