Parating humahanap ang mga scammer ng bagong paraan upang manakaw ang iyong pagkakakilanlan.

Panoorin ang full video >>>

Ang Pangalawang Pagkakakilanlan ay Hindi ang Totoong Pagkakakilanlan

Si Linh (hindi totoong pangalan) ay gumagamit ng kaniyang kompyuter at naglolog-in sa kanyang bank account. Ngunit may mali, nawala ang kanyang $19,000. Habang nagsasagawa ng malalim na inspeksyon, nalaman niya na may magkahiwalay na dalawang malaking transaksiyon ang may label na “miscellaneous withdrawals”. Agad niyang tinawagan ang kanyang bangko at tinanggi na hindi siya gumawa ng ganoong kalaking pagbili upang makatanggap lang ng sagot na ang aktwal na rason ay lalabas sa loob ng ilang araw. Ilang araw ang nakalipas, tinawagan niya muli ang kanyang bangko. “Paumanhin po mam, pero ikaw ba talaga ito?” tanong ng bank manager. “Ngunit ang iyong personal na impormasyon ay hindi magkatugma sa impormasyon na mayroon kami sa aming system.” Nagmaneho si Linh papunta sa bangko at ipinakita ang kanyang mga dokumento, at sinubukang ipatigil ang kanyang account. Ngunit ang mga kriminal ay maaaring bumisita sa ibang branch at binuksan muli ito.

Pinalitan ng identity thief ang verification information para sa account kabilang na ang lagda, tinitirhan, at ang nakalink na numero ng telepono. Hawak nila ang lisensya sa pagmamaneho ni Linh kabilang na ang mga detalye ngunit walang litrato, na naging posible para sa mga kriminal upang diretsong pumunta patungo sa bangko, gumawa  ng mga withdrawal at palitan ang mga detalye upang maging akma sa kanila.

Gayunpaman, mas tumaas ang problema sa bangko at sa mga nawawalang mga pondo. Isang umaga, isang pulis ang nagpakita sa harap ng kanyang pintuan. “Mam, sumama ka sa amin sa istasyon ng pulis”. Sa istasyon, hinarap ni Linh ang pagtatanong mula sa mga pulis at nangongolekta ng utang dahil sa mga ninakaw ng sasakyan at hindi nabayaran na mga “toll fee” na wala naman siyang alam. Inilagay sa kanyang harapan ang mahabang listahan ng mga sasakyan na nakarehistro sa kanyang pangalan. “Binili mo ba ang lahat ng mga ito?” tanong ng pulis. May nagnakaw ng kanyang pagkakakilanlan upang magsagawa ng shopping spree at bumili ng mga sasakyan gamit ang kanyang mga tseke sa bangko.

Sa kabutihang palad, ang mga kriminal ay nahuli at nahatulan ng habangbuhay na pagkakakulong. Ngunit para kay Linh, ang isang taon ng identity crisis ay isang emosyonal na kaguluhan na nakapagdulot ng panghabambuhay na epekto.

Sinuman ay maaaring maging bikti Gayunpaman, sa pagsasagawa at pagtingin sa mga babala ay maaaring kang makaiwas sa mga pag-atake ng mga online scam. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga scam, phishing,at identity theft sa Timog-Silangang Asya ay maaaring bumisita sa UNODC website.

Source:
https://www.news.com.au/national/crime/horror-journey-after-young-man-had-his-identity-stolen/news-story/c1742c41588e3f8acd8543c9d2a1b803
https://thewest.com.au/business/horror-journey-after-young-man-had-his-identity-stolen-c-6389812