phishing scheme. Ang mga kriminal ay magpapanggap na mula sa ahensya ng gobyerno na nagnanakaw ng personal na impormasyon mula sa mga walang kahina-hinalang mga biktima. Isa sa mga phishing scheme ay katulad ng pagpupuntirya sa mga turista na desperado na mahilig na lumakbay pagkatapos ng mahabang panahon ng lockdown ng dahil sa Covid-19 pandemic.
Sa panahon ng pandemya, Matagumpay na nagpanggap ang mga cybercriminal sa pagkuha ng mga dokumento sa mga rehistradong systems ng mga iba’t ibang klaseng turista na pinapatakbo ng mga ahensiya ng gobyerno para nakawin ang personally identifiable information (PII) ng mga aplikante. Makakatanggap ng kahina-hinalang mga email na maaaring sabihan sila na kailangan nila na i-download ang file mula sa isang malisyosong link upang malutas ang problema mula sa kanilang aplikasyon ng kanilang tourist pass. Libo-libong mga tao na nag-aaplay para sa mga pass upang makapasok ng bansa ang iniulat na nakatanggap ng mga mapalinlang na phishing email na naghihingi ng personal na impormasyon.
Sa karagdagan, inanunsyo ng isang immigration service na may ilang kaso ng mga voice phishing scam na nagpapanggap na ahensya na gumagamit ng internasyonal na numero ng telepono upang makapangloko ng mga aplikante na gustong pumasok sa bansa.. Karagdagan pa rito, may mga tourist application websites na natagpuan na naniningil ng aplikasyon na may 20 beses na opisyal na bayad.
Maraming komersyal o pribadong mga website ang nag-aalok ng mga serbisyo sa immigration. Mahalagang tandaan na ang ilan sa mga website ay magsusulong ng lehitimong serbisyo na maaaring bayaran ng mga aplikante. Gayunpaman, may ilang mga website ay maaaring maging phishing website na maaaring pagnakawan ka ng pera o pribadong impormasyon.
Upang maiwasan ang ganitong mga insidente, mahalagang magsagawa ng web search upang makita kung mayroong mga balita na ginawa tungkol sa website na iyon. Pagkatapos, maaaring makipagbigay-alam sa may-ari at siguraduhin na napapanahon ang iyong user browser. Mag-ingat sa mga website na nagpapatalastas sa pamamagitan ng mga email ng hindi mo kilala at huwag mong ibibigay ang iyong personal na impormasyon maliban kung ligtas ang site at alam ng user kung sino ang kanilang kinakaharap. Basahin ang mga disclaimer at tuntunin at, kung pinili mong magbayad, maaaring gumamit ng protektadong payment method.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga scam, phishing,at identity theft sa Timog-Silangang Asya ay maaaring bumisita sa UNODC website.