ANO ANG BEWARE THE SHARE?

Kumusta? Panoorin ang mga video at iba pang mga content sa ibaba. Karamihan sa mga ito ay ginawa para mailayo ka sa panganib at matulungan kang makapagdesisyon nang tama online.
Tandaan, maraming mapagsamantala kaya laging mag-iingat – Beware the Share!

MGA VIDEO

Gaano ka kaligtas online?
Alamin ang online safety score mo

SCORE: / 4

QUESTION: / 4

ANO ANG ?

Ang online grooming ay

Nangyayari kapag humihingi sa iyo ng "nudes" (seksuwalisadong materyal) ang mga tao sa Internet, at ang mga taong ito ay maaaring mga hindi kakilala, kaibigan, o celebrity.

Ano ang kailangan mong malaman  

  1. Mukha silang normal na tao at hindi mga “groomer”
  2. Paglalaanan ka nila ng panahon at pera at magpapanggap na “kaibigan” mo
  3. Unti-unti nilang kukunin ang tiwala mo – hihiling ng maliliit na bagay sa umpisa…
  4. Papakitaan ka nila ng seksuwal na content para akitin ka
  5. Sasabihan ka nilang ilihim ang mga pag-uusap ninyo
  6. Hihikayatin kang mag-share ng personal na impormasyon
  7. Kapag may SINUMANG magbigay ng mga seksuwal na komento o manghingi ng mga seksuwal na litrato, oras nang mag-GTG
  8. BEWARE THE SHARE!

Ang sexting ay

Ang Sexual Extortion, na tinatawag ding “Sexting” ay pag-share ng mga seksuwal na litrato gamit ang mobile phones o iba pang electronic devices. Legal ito kapag may pahintulot sa pagitan ng mga nasa edad na, pero labag ito sa batas kapag nangyari ito sa pagitan ng mga minor. Sakaling under 18 ang isa o parehong kalahok, posibleng managot sa batas ang gumawa ng seksuwal na litrato at ang tumanggap nito. Maituturing itong paglabag sa OSAEC law at iba pang batas na pumoprotekta sa kabataan Republic Act No. 11930 (lawphil.net)

Ano ang mga dapat tandaan tungkol sa sexting?

  1. Kung minor pa kayo ng mga kaibigan mo, at nagse-share kayo ng mga seksuwalisadong litrato ng isa’t isa, masasabing paglabag ito sa batas at puwede kayong sampahan ng kasong kriminal.
  2. Kung wala ka pang 18 taong gulang, at kumuha ka ng seksuwal na litrato o video ng iyong sarili, at ipinakita ito sa ibang tao anuman ang kanilang edad, labag ito sa batas.
  3. Kung mahigit 18 taong gulang ka na at nag-share ka ng mga seksuwal na litrato ng taong wala pang 18 taong gulang sa iba, anuman ang kanilang edad at sa anumang paraan, paglabag ito sa batas.
  4. BEWARE THE SHARE!

Ano ang IMAGE-BASED SEXUAL ABUSE (ISA) ?

Nangyayari ang image-based abuse (IBA) kapag ang pribadong larawan o video ay ibinahagi nang walang pahintulot ng taong nasa larawan. Kabilang dito ang digitally edited na mga larawan o video (gamit ang mga editing software para sa mga litrato o video).

Karaniwan itong nangyayari, at kung nalagay ka sa ganitong sitwasyon:

  1. Hindi mo ito kasalanan, wala kang ginawang masama
  2. Maaaring nababalisa ka
  3. HUWAG MAG-ALALA, may solusyon!
  4. Sabihan ang mga magulang, tagapangalaga, o isang pinagkakatiwalaang adult.
  5. Kontakin ang mga kinauukulan sa mga link sa ibaba
  6. Mabibigyan ka ng tulong
  7. Maaayos ang sitwasyon

PAANO kung?

NILAPITAN KA NG ISANG DI-KAKILALA ONLINE

MGA TIP

  1. Iwasan at huwag pansinin, mas okay kung hindi i-accept ang sinumang kaunti lang ang parehong mga kaibigan.
  2. Huwag sumali sa mga usapang pampubliko, dahil dito nila sinisimulan ang grooming.
  3. Huwag maniwala sa mga pangako, tulad ng pera o regalo.

HINIHINGAN KA NG KAIBIGAN MO NG SEKSUWAL NA LARAWAN MO

TIPS

  1. Ipaliwanag mo sa kaniyang labag ito sa batas, lalo na kung pareho kayong minor.
  2. Kumbinsihin mo siyang hindi magandang ideya ito, lalo na kung isa sa inyo o pareho kayong minor.
  3. Kung makulit o mapilit siya, isumbong ito sa isa sa mga magulang mo o sa sinumang adult na pinagkakatiwalaan mo.

Hinihikayat ka ng BF/GF mong sumali sa mga sensual at mapang akit na photo shoot or video calls habang sinisiguro nito na No Touch, No Harm ang inyong gagawin

TIPS

  1. Ipaliwanag mong hindi ka kumportableng gawin ito.
  2. Ibahin ang paksa, at pag-usapan ang ibang bagay.
  3. Ipaliwanag na labag ito sa batas at baka mauwi ito sa hindi maganda.

KONTAKIN ANG MGA AWTORIDAD

KUNG SA PALAGAY MO AY NAAABUSO KA, MAY SOLUSYON DITO. KONTAKIN ANG MGA AWTORIDAD SA IBABA PARA SA TULONG

Image

LAO PDR

Image

MALAYSIA

Image

PHILIPPINES

Image

VIETNAM

Image

CAMBODIA


Image

INDONESIA

TUNGKOL SA KAMPANYA

Ang Beware the Share ay kampanyang binuo at ipanatutupad ng UNODC para mas lumawak ang kaalaman sa mga batas at alituntunin na nangangalaga sa mga minor laban sa mga pananamantala online. Sa paggamit ng Beware the Share na islogan, layunin ng UNODC na itaas ang consciousness ng mga bata, na maaaring hindi batid ang mga panandaliaan at pangmatagalang epekto ng paglahok sa mga mapanganib at kung minsan ay labag sa batas na gawain online na maaaring magdulot ng negatibong mental, sosyal, at legal na pinsala sa sarili at sa iba.

Binuo ang kampanyang Beware the Share para matulungan ang mga minors na mag-isip nang mabuti bago mag-share online sa kanilang mga kaibigan o sa mga di-kakilala ng anumang content na maaaring makasama sa kanila.